Alyansa sa Edukasyon

Alyansa sa Edukasyon

Ang pag-aaral sadyang kay hirap 
Para sa mga kabataang mahihirap 
Ngunit sila ay patuloy na nagsusumikap 
Upang maabot ang kanilang mga pangarap

Alyansa sa Edukasyon hatid ng Pandayan 
Proyektong tumutulong sa mga eskwelahang nangangailangan 
Kagamitang pang edukasyon ang kanilang hatid 
Mag-aaral hindi mabatid

Simpleng Proyekto hung ito ay titingnan 
Libo-libong mag-aaral matutulungan 
Mga palarong inyo ring hatid 
Sa nagbibgay ng kaligayahang hindi mabatid

Pagkanta at pagsayaw kayo ay kanilang pinapahanga
Kanilang talent ay sadyang kahanga-hanga 
Kanilang susuklian ang inyong kabutihan
Pag-aaral nila ay tiyak na pagbubutihan

Edukasyon ang halaga ay tila diyamante 
Kayamanang hindi kayang ipagbili 
Edukasyon waring solusyon sa kahirapan 
Kaya ito ay ating pahalagahan

Alyansa sa Edukasyon patuloy na isusulong 
Upang sa mag-aaral, magulang ay makatulong 
Inyong pangarap sana ay makamtan 
Balang araw kayo ay tila diyamante na kikinang